Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Araw ng Kalayaan sa Pilipinas
Sa Pilipinas, may dalawang magkaibang mga araw na tinatawag na Araw ng Kalayaan. Ang orihinal na petsa ay Ika-12 Hunyo, 1898 at ito ang kasalukuyang itinuturing na pambansang Araw ng Kalayaan. Sa araw na ito sa kasaysayan, binasa ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas, na nagpapahayag ng kalayaan mula sa Espanya matapos ang pagkatalo ng mga Kastila sa Labanan sa Look ng Maynila. Gayunpaman, hindi kinilala ng Estados Unidos at Espanya ang Pilipinas bilang isang malayang bansa, at isinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos noong 1898 sa katapusan ng Digmaang Kastila-Amerikano.
Ang Pilipinas ay hindi opisyal na naging sarili nitong bansa hanggang ika-4 Hulyo, 1946 kung kailan ang Kasunduan ng Maynila ay nagbunga ng opisyal na pagkilala ng Estados Unidos sa kalayaan ng Pilipinas. Itinuring na araw ng kalayaan ang ika-4 ng Hulyo sa Pilipinas hanggang 1964 kung kailan opisyal na pinalitan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang petsa sa araw ng Hunyo 1898. Dati, ang araw na iyon ay itinalagang Araw ng Bandila, subalit ngayon ito ang itinuturing na Araw ng Kalayaan.
Ang Araw ng Kalayaan ay napakahalaga sa mga Pilipino kaya ang mga nangibang-bansa patungong Estados Unidos ay ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng taunang Parada sa Araw ng Kalayaan, na idinaraos sa unang Linggo ng Hunyo sa Lungsod ng New York. Ang pagdiriwang sa Estados Unidos ay lumaki sa loob ng huling sampung taon. Bilang karagdangan sa New York, may labindalawa pang ibang estado na sakop ng hangganan ng Heneral ng Konsulado ng Pilipinas ang kumikilala sa pagdiriwang. Kabilang sa pagdiriwang sa Estados Unidos ang ibang mga aktibidad, tulad ng pistang kultural, sayawan, at iba pang mga pangyayari na humahantong sa Parada sa Araw ng Kalayaan.

Comments

Hide