Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Araw ng mga Pambansang Bayani sa Pilipinas
Sa Pilipinas, ang Araw ng mga Pambansang Bayani ay ipinagdiriwang sa ika-apat na Linggo ng Agosto. Ang petsa ay mahalaga dahil kinikilala nito ang pagsisimula ng Himagsikang Pilipino. Ang orihinal na petsa para sa pista ay ika-30 ng Nobyembre dahil iyon ang araw ng kaarawan ni Andres Bonifacio. Sinasabing siya ang nanguna sa himagsikan. Kinalaunan, ang petsa ng pista ay pinalitan ng Agosto upang ang pagkilala ay maiukol sa lahat ng Pilipinong namatay para sa kalayaan ng kanilang bansa. Ang pista ay hinirang bilang pambansang araw kung kailan ang mga Pilipino ay kumukuha ng araw ng pahinga sa trabaho. Sapagkat ang Linggo ay isang araw kung kailan ang mga Pilipino ay wala talagang pasok sa trabaho, ang pambansang pista ay pumapatak sa susunod na Lunes.
Ang Araw ng mga Pambansang Bayani ay unang kinilala bilang isang pista noong 1931, bagaman ang araw ay umuugat sa taong 1908 kung kailan ang Batas sa Sedisyon ay pinawalang-bisa ng Estados Unidos. Ang ideya ay upang lumikha ng isang pista na hindi lamang pinaparangalan ang mga sikat na bayani ng kasarinlang Pilipino tulad ni Jose Rizal at Andres Bonifacio, ngunit pati rin ang mga hindi pinupuri at hindi kilalang bayani na namatay din para sa kalayaan ng bansa.
Ang simula ng Himagsikang Pilipino ay kilala bilang Sigaw ng Pugad Lawin o ang Sigaw ng Balintawak. Ito ang araw kung kailan ang lihim na lipunan ay gumawa ng desisyon na magrebelde laban sa pamahalaang kolonyal. Sa pamamagitan ng desisyong iyon, pinunit ng mga Pilipino ang kanilang mga sedula, tanda ng kalayaan ng kanilang bansa mula sa kolonyal na pamahalaan ng Kastila. Sa mga oras na ito rin itinatag ang isang rebeldeng pamahalaan. Ang pamahalaan ay nilikha pagkatapos ng pagpupunit ng mga sedula ngunit bago ang unang maliit na labanan ng himagsikan.

Comments

Hide