Dialogue

Vocabulary (Review)

Learn New Words FAST with this Lesson’s Vocab Review List

Get this lesson’s key vocab, their translations and pronunciations. Sign up for your Free Lifetime Account Now and get 7 Days of Premium Access including this feature.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Notes

Unlock In-Depth Explanations & Exclusive Takeaways with Printable Lesson Notes

Unlock Lesson Notes and Transcripts for every single lesson. Sign Up for a Free Lifetime Account and Get 7 Days of Premium Access.

Or sign up using Facebook
Already a Member?

Lesson Transcript

Pasko sa Pilipinas
Sa Pilipinas, ang panahon ng Kapaskuhan ang isa sa pinakamahaba sa mundo. Setyembre pa lang, kumakanta na ang mga Pilipino ng mga himig Pasko, at tumatagal ang pagkanta hanggang ika-9 ng Enero, na siyang Pista ng Tatlong Hari. Maraming iba't ibang katutubong pangkat sa loob ng Pilipinas, at lahat sila ay may kani-kaniyang tradisyon para sa oras ng Kapaskuhan.
Laganap ang pagdaraos ng mga Christmas party, alim man sa ikalawang linggo ng Disyembre o sa palibot ng oras kapag nagsimula na ang bakasyon ng mga estudyante para sa Kapaskuhan. Karaniwang kabilang sa mga pagdiriwang ang kantahan, sayawan, dula at mga palaro. Ang pagdadala ng kani-niyang pagkain ay laganap rin, at maraming mga tao ang nagsisindi ng mga paputok.
Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng mga pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas ay ang mga misa sa madaling araw at gabi. Nagsisimula ang mga ito sa ika-16 ng Disyembre at tumatagal ng siyam na araw. Naniniwala ang mga Romano Katoliko na kailangan nilang magsagawa ng siyam na gabing debosyon, sa publiko o pribadong paraan man, upang makatanggap ng natatanging mga biyaya mula sa Panginoon.
Karaniwang pumupunta ang mga Pilipino sa Simbang Gabi sa Bisperas ng Pasko at sinusundan ito ng isang tradisyunal na piging. Ilan sa karaniwang pagkain sa hapag kainan ang keso de bola, mainit na tsokolate, fruit salad, hamon, at pasta. Ilang mga eskwelahan ang nagsasagawa ng pagsasabuhay ng paglalakbay ni Maria at Jose sa kanilang paghahanap ng matutuluyan sa Bethlehem. Ang aktor at aktres na gumaganap sa papel ni Maria at Jose ay umaawit habang papunta sila sa iba't ibang mga bahay sa komunidad at nakikiusap na sila'y patuluyin. Ang mga residente ay sasagot rin ng pag-awit, pinapaalis sila habang pinapaalam sa kanila na meron na silang isang sambahayanan ng mga panauhin. Sa huli, sila ay paparoon sa simbahan ng komunidad, kung saan nakahanda ang sabsaban sa harap.

Comments

Hide