Dialogue - Filipino

Hide

Vocabulary (Review)

Hide
binubuo comprise
tangway isthmus
kapuna-puna conspicuous
kasaganaan abundance, prosperity
iskwater slum
kilala iconic
mausoleo mausoleum
martir martyr

Lesson Notes

Hide

Cultural Insights

Did you know?


Ang Intramuros, kilala din bilang Walled City, ay ang pinakalumang bahagi ng Metro Manila. Sa kasaysayan, ang lungsod ay ang kuta ng pamahalaang kolonyal ng Espanyol. Ang Intramuros ay matatagpuan sa Manila Bay sa timog lamang ng Ilog Pasig. Ang Fort Santiago, na nakatayo sa bukana ng ilog, ang nagbabantay sa lungsod. Itinayo ng mga kolonyalistang Espanyol ang mga pader na pumapalibot sa muog sa huling bahagi ng 1500s upang protektahan laban sa mga kolonyalista mula sa ibang bansa. Pinangalanan ng Global Heritage Fund ang Intramuros bilang isa sa labindalawang lugar sa buong mundo na sumusuray sa bingit ng kung tawagin nila ay "hindi maisasaayos na kawalan."

 

 


Intramuros, also known as the Walled City, is the oldest part of Metro Manila. Historically, the city was the fortress of the Spanish colonial government. Intramuros is located on Manila Bay, just south of the Pasig River. Fort Santiago guards the city, sitting right on the river's mouth. Spanish colonialists built the walls surrounding the citadel in the latter part of the 1500s to protect against colonialists from other nations. The Global Heritage Fund has named Intramuros as one of twelve sites around the globe that are teetering on the edge of what it calls "irreparable loss."

 

Lesson Transcript

Hide
Metro Manila
Ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas, at ang metro area ay binubuo ng labinganim na iba't ibang mga lungsod. Bukod sa pagiging kabiserang lungsod ng bansa, ito rin ang pangunahing sentro ng bansa para sa ekonomiya, kultura, edukasyon, at lipunan. Ang metro area ang sentro ng pamahalaan para sa bansa, ngunit ang lungsod mismo ay ang talagang kabisera. Sa loob ng metro area, ang Quezon City ang pinakamalaki.
Ang metro area ng Maynila ay nakaupo sa isang tangway kasama ng Laguna de Bay sa isang dako, Manila Bay sa kabilang dako, at ang Ilog Pasig na umaagos sa gitna. Ang rehiyon ay isa din sa pinakamalaking bahaing kapatagan sa Pilipinas. Ito rin ay kilala bilang isang lugar ng kapwa kapuna-punang kayamanan at matinding kahirapan. Marami ding mamahaling komunidad sa Metro Manila. Iyan ay kabaligtaran sa napakaraming iskwater sa iba't ibang bahagi ng metro area, lalo na sa lupang pagmamay-ari ng gobyerno na kasalukuyang hindi ginagamit at sa tabi ng mga linya ng tren na dumadaan sa lugar.
Mayroon ding ilang mga mahahalagang palatandaan sa metropolitan area ng Maynila. Isa sa mga pinakakilalang parke sa lugar ay ang Rizal Park, na naglalaman ng Monumento ni Rizal, isang mausoleo na gumugunita kay Jose Rizal, isang martir na nagsulong para sa mga repormang panlipunan at ang kanyang pagkamatay ay nagpasiklab ng Himagsikang Pilipino. Bukod sa Monumento ni Rizal, ang parke ay naglalaman din ng mga kahanga-hangang hardin ng mga Hapon at Instik, ang Pambansang Museo ng Lahing Pilipino, at isang napakalaking relief map ng bansa.